Date Submitted: October 1, 2025
Written by: soremachi
Original Photo by: Lord Williams Estonanto, taken January 13, 2023

Ang unang taong pinagtimpla ko ng kape ay ang unang girlfriend ko. Magkasama kami sa isang summer job noong 2007, doon kami nagkakilala at nililigawan ko palang siya non. Isang umaga, nagpatimpla siya sakin ng kape. Sinabi ko sakanya na hindi ako marunong dahil hind naman ako umiinom ng kape. Sabi niya ay okay lang. Dahil nga hindi ako nagtitimpla ng kape, hindi ko alam gano karami dapat ang ilagay ko. Binigay ko sakanya yung black coffee na tinimpla ko tapos ininom niya. Nag thank you siya, pero di niya inubos. Pag-alis niya, tinikman ko yung tinimpla ko at sobrang pait at asim. Nahihiya ako noon dahil pinainom ko sakanya na hindi ko muna tinikman. Pero dahil don, inaral kong maigi pano magtimpla ng kape. Hanggang ngayon na almost 20 years mula nang matuto ako magkape ay masasabi kong coffee lover pa rin ako.

backyard coffee shop
backyard coffee shop

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Sign In

Register

Reset Password

Please enter your username or email address, you will receive a link to create a new password via email.